• Home
  • News
  • Yam Concepcion, naka-move on na nga ba kay Ejay Falcon?

Yam Concepcion, naka-move on na nga ba kay Ejay Falcon?

Sa tingin ba ni Yam Concepcion ay makakakuha pa siya ng “pure love” tears sa kanyang ex-boyfriend na si Ejay Falcon?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/8/2014 in News
Yam Concepcion, naka-move on na nga ba kay Ejay Falcon?

Inamin ni Yam Concepcion na hindi na siya umaasang makakatanggap ng “pure love” tears o ang luhang kailangan ng lead character sa kanyang TV series na “Pure Love” na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga sa kanyang ex-boyfriend na si Ejay Falcon.

Siyempre over na kami sa isa’t isa. So wala nang iyakan,” paliwanag ni Yam sa isang panayam sa press conference ng “Pure Love” na ginanap noong November 4.

Nabanggit ni Yam sa kanyang previous interview na si Ejay ang tumapos ng kanilang short-lived romance na nabuo sa set ng kanilang dating teleserye na “Dugong Buhay.”

“We talked already. Na-settle na namin ‘yung issue naming dalawa,” sambit ni Yam.
Nang tinanong kung ano ang kanyang natutunan sa kanyang naging relasyon kay Ejay, sinabi ng aktres na huwag dapat magpadalus-dalos.

Dagdag pa niya, “Dapat kilalanin mo muna ang isang tao dahil minsan hindi mo alam hindi pala kayo compatible sa isa’t isa, you don’t like the same stuff. So ayun, you have to take it slow.”
Hindi man siya nakahanap ng bagong pag-ibig sa set ng kanyang latest teleserye, natutuwa naman ang 25-year-old actress na nakatagpo siya ng mga bagong guy friends sa nasabing set.


“They’re all [my] friends. Walang romantic factor. Halos lahat sila naging friends ko. Si Arjo (Atayde), si Matt (Evans), at tsaka si Joseph (Marco),” pagbabahagi niya. “Si Ahron (Villena) kasi, sa guesting ko lang siya nakakasama so nakakakulitan ko rin naman siya.”

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: YamConcepcion 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER