• Home
  • News
  • Judy Ann Santos pinaiyak ang kanyang Mommy Carol

Judy Ann Santos pinaiyak ang kanyang Mommy Carol

“Sinurpresa” ni Judy Ann Santos ang dalawa sa pinakamahahalagang tao sa kanyang buhay—ang kanyang Mommy Carol at Ate Binay. Ikaw, sino ang gusto mong pasalamatan ngayong pasko?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/8/2014 in News
Judy Ann Santos pinaiyak ang kanyang Mommy Carol

“Akala ko ako ‘yung mangsu-surprise, kami pala ‘yung susurprise-in.”

Ito ang naging madamdamin na tugon ni Mommy Carol Santos, ina ni Judy Ann Santos-Agoncillo nang siya ang napili ng aktres na pasalamatan para sa special Christmas feature ng ABS-CBN.

Si Mommy Carol kasama ang kanilang katiwala na tinatawag ni Judy Ann na si Ate Binay ay pinaupo sa harap ng isang malaking screen ng biglang ipakita ang VTR video ni Judy na nagpapasalamat sa kanilang dalawa.

Panuorin ang video dito:

"Kayong dalawa ang unang-unang presidente ng fans club bago pa ako nagsimulang maging artista," naiiyak na sabi ni Judy Ann. "Ngayon ko na-a-appreciate lahat ng pagdidisipilina, pagpapagalit at pagsasakripisyo niyo sa aming lahat."

Pagkatapos ng ipalabas ang video, biglang lumabas ang prized Kapamilya actress upang personal na pasalamatan ang kanyang dalawang ina.

Natapos ang “Ang Babait Ninyo” segment ni Judy Ann ng magyakapan ang mag-iyakan silang tatlo.

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: JudyAnnSantos 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER