• Home
  • News
  • Bangs Garcia at Phil Younghusband, exclusively dating na

Bangs Garcia at Phil Younghusband, exclusively dating na

Kebs lang daw sa aktres kung may mga fans si Phil na hindi boto sa kanya.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/8/2014 in News
Bangs Garcia at Phil Younghusband, exclusively dating na

Inamin ni Bangs Garcia na exclusively dating na ang status nila ng Azkals star player na si Phil Younghusband.
 
Bagamat magkasundo sila, sinabi ng aktres sa “Aquino & Abunda Tonight” kahapon, Nov. 7, na nasa “getting to know each other stage” pa lang sila ni Phil mula nung July at hindi pa masasabing opisyal nang magkasintahan.
 
Kilig na kilig na kinuwento ni Bangs kung ano ang mga bagay na nagustuhan niya kay Phil.
 
“What I like most about him is that he’s very God-fearing,” sabi niya. “We always put God in the center of our relationship.”
 
Dagdag pa ni Bangs, nasaksihan niya kung gaano ka-mapagmahal na kapatid ni Phil.
 
“That is such a huge point for me kasi I have a younger brother na may Down syndrome, so I can really relate to him kasi wala na silang parents so sila ‘yung tumatayong magulang ni James (Younghusband) kay Keri (youngest sister)…,” sabi niya. “I really admire him na sobra siyang mag-alaga kay Keri. Ganun din ako sa brother ko.”
 
Tahasan namang sinabi ni Bangs na wala siyang pakialam kung may mga fans si Phil na hindi boto sa kanya. 

Matatandaang naging napaka-publiko ng relasyon ni Phil kay Angel Locsin na nagtapos Oktubre ng nakaraang taon.

“He always supports me in everything that I do,” sabi ni Bangs tungkol kay Phil. “He brings out the best in me without even saying anything. He inspires me to do the best things in my life.”
 
May mga na-miss ka bang episode ng “Aquino & Abunda Tonight”? Manood sa iwantv.com.ph.
 
See other latest news here.
 
For more updates:
 
Follow Bangs Garcia on:
Twitter: @BangsGarcia_
Instagram: @valeriebangsgarcia

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: BangsGarcia 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER