• Home
  • News
  • TipStar: Pursue the man of your dreams ala Laida Magtalas

TipStar: Pursue the man of your dreams ala Laida Magtalas

From dream guy to real guy – aba, bakit hindi?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/24/2014 in News
0
TipStar: Pursue the man of your dreams ala Laida Magtalas

Wala naman talagang imposible pagdating sa love. Hindi natin alam who we’ll end up with. Malay mo, ‘yung crush mo or guy of your dreams pala ang makakatuluyan mo.
 
Tingnan mo si Laida Magtalas (Sarah Geronimo) sa “A Very Special Love.” Fresh grad at determinadong makapasok sa publishing industry, lalo pa dahil parte nun ang crush na crush niyang si Miggy Montenegro (John Lloyd Cruz).
 
 

Sinong mag-aakala na ang isang perky at mapagmahal na babae ay mababago ang buhay ng isang pogi pero hambog na editor?
 
Heto ang mga puwedeng mapulot sa mga ginawa ni Laida para kay Miggy. Try mo, malay mo mag-work din sa'yo.
 
Pumasok ka sa mundo niya. Sabi nga, don’t wait for someone to come into your life. Be that someone and come to another person’s life. Si Laida, naglakas-loob na mag-apply na editorial assistant under Miggy. Nag-walk-in, na-hire – agad-agad!
 

 
Ikaw na ang maunang bumati – kahit pa simangot ang ibalik niya sa’yo. Hindi naman kasi lahat ng mga nagugustuhan natin, nice at accommodating. May mga isnabero talaga. Pero ‘wag mawalan ng loob. Si Laida, sige lang sa pagbati kay Miggy, with matching big smile.
 

 
Pangitiin mo siya in your own sweet way. Kanya-kanyang diskarte ‘yan para maipakita sa taong gusto mo na special siya. Ang importante, give your own touch sa bawat gagawin mo. Si Laida, mahilig magdikit ng thoughtful post-it notes sa kape na dine-deliver niya kay Miggy. Swabeng-swabe lang.


 

Daanin sa kanta ang feelings. Kung hindi ka talaga makaporma kay Crushie, express yourself through performance. Kapag nagkaraoke kayo, mag-dedicate ka ng kanta sa kanya! Parang ‘yung “Kailan” lang, kalaunan eh naging theme song na nina Miggy at Laida.
 

 

Damayan mo siya. Kung may pagkakataon kang mapakita sa kanya na you care, seize it! Gaya nalang nung nagkasakit si Miggy, todo alaga si Laida. Daig pa ang dutiful girlfriend!
 

 
Wag mo siyang susukuan. Habang mas lalo mo siyang nakikilala, mas makikita mo ‘yung mga imperfections niya. Pero kung gusto mo talaga, ‘wag agad bibigay, day! Kung para sa’yo naman talaga, it will work out eventually.
 

 
The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Sarah Geronimo on:
Twitter: @JustSarahG
Instagram: @JustSarahG

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER