• Home
  • News
  • Antoinette Taus, fan of Dong-Yan love team

Antoinette Taus, fan of Dong-Yan love team

Matagal na daw alam ni Antoinette Taus na mauuwi sa kasalan ang relasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes sa aktres na si Marian Rivera.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/23/2014 in News
Antoinette Taus, fan of Dong-Yan love team

Bagamat nauwi sa hiawalayan ang pag-iibigan nina Antoinette Taus at Dingdong Dantes, ibinahagi ni Antoinette saPUSH.com na nanatili ang kanilang pagkakaibigan at hindi naputol ang kanilang komunikasyon.  

“We’re super good. Okay kami, wala kaming problema. I think kasi maybe before nung kami, we also really liked each other as individuals and human beings,” saad niya. “Bilib ako sa kanya, sa talent niya, kung paano siya as a man and hopefully bilib din siya sa akin before, he believed in me.”

Dagdag pa niya, “So I think when you take away the dating part of love, yung ganung stuff, nag-re-remain pa rin kahit papaano yung respect mo sa tao, yung tingin mo on how great they are and we became friends and it’s a good thing. There’s too much hate in the world so let’s just all get along and love each other and be friends.”

Inamin din ni Antoinette na isa siya sa mga unang taong nakaalam na magpo-poprose si Dingdong ka Marian.

“I’m really happy for them. I really wish them the best. Even years ago pa lang, kausap ko na si Dong about yung relationship nila and kinikuwento niya sa akin how much he loves her and how great they are together,” pagbabahagi niya. “Dati pa lang sinasabi na niya sa akin na, ‘I think I’m going to marry her.  Gusto ko na bumili ng singsing.’ Ang tagal na nun ha. So I’ve always been waiting for this day to come and I’m glad they’re finally doing it. I think it’s about time so congratulations to them.”

Samantala, wala pa raw sa isip ng 33-year-old na aktres ang pag-aasawa lalo na at kasalukuyan siyang cast ng theater play na “Grease” kung saan siya ay gumaganap bilang Betty Rizzo, isang gang leader.


“My plate talaga is so full with so much work and singing, dancing, and acting is something that really inspires me, it what drives me,” sabi niya. “Every day when I open my eyes when I go to Grease or sa taping parang it’s what I live for. I feel like kung dadating man yung love, kailangan talagang worth it na isang tabi ko muna ang work. Tapos na ako sa love team days."

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: AntoinetteTaus 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER