• Home
  • News
  • Why Julian Estrada, Julia Barretto broke up

Why Julian Estrada, Julia Barretto broke up

Masyado pa raw bata sina Julian Estrada at Julia Barretto para pumasok sa isang relasyon.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/2/2014 in News
Why Julian Estrada, Julia Barretto broke up

Inamin ng “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” star na si Julian Estrada, 18, na naging karelasyon niya sa loob ng anim na buwan ang “Mirabella” star na si Julia Barretto, 17, sa press conference ng kanyang movie noong October 30.

“Uhm… my god, yes!”

Ito ang sagot ng nasukol na si Julian nung tinanong kung si Julia ba ang tinutukoy niyang first love.

Nung una’y ayaw pang pangalanan ni Julian ang kanyang ex-girlfriend, sinabi niya lamang ang pinakadahilan ng kanilang paghihiwalay.

“’Coz we’re still young, marami pa tayong kailangang pagdadaanan,” diin niya.

Binigyan din daw siya ng payo ng kanyang amang si Senator Jinggoy Estrada tungkol sa pakikipagrelasyon.

“Yung dad ko, nalaman niya yung breakup ko with my,” paliwanag niya. “Tapos sabi po niya, ‘Bata ka pa anak, marami ka pang pagdadaanan. Marami pang iba diyan.’ Basta po… sabi niya [Dad], marami pang iba.

Hindi man nagtagal ang kanilang relasyon, nilinaw naman ng batang actor na nananatili silang magkaibigan ni Julia.

“Yeah, opo. Yeah, we’re still friends po.  I’m proud of her 'coz she has a lot of projects,” saad ni Julian sa interview sa PEP.ph.

Sa “Relaks It’s Just Pag-Ibig,” gaganap si Julian bilang Kiko, isang 17-year-old na high school student na may lihim na pagtingin sa kanyang best friend na si Sari (Sofia Andres), na mahal naman si Josh (Inigo Pascual).

Ang pelikulang ito na prinoduce ng Spring Films at distributed ng Star Cinema ay ipapalabas na sa buong sinehan sa November 12.

See other latest news here.

For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER