• Home
  • News
  • Nadine Lustre, deadma sa hiwalayang James Reid-Ericka Villongco

Nadine Lustre, deadma sa hiwalayang James Reid-Ericka Villongco

Sa unang pagkakataon, nilinaw ni Nadine Lustre ang kanyang side sa hiwalayang James Reid at Ericka Villongco.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/2/2014 in News
Nadine Lustre, deadma sa hiwalayang James Reid-Ericka Villongco

Naniniwala ang 21-year-old actress na si Nadine Lustre na wala siya sa posisyong magsalita tungkol sa hiwalayan ng kanyang love team na si James Reid sa ex-girlfriend nitong si Ericka Villongco.

Wala rin ako sa posisyon na makialam. Ako parang, 'Okay, it’s your problem. Kayo na mag-handle diyan,’” saad ni Nadine sa kanyang interview sa PEP.ph sa kanyang birthday bash noong October 31 sa The Glass Garden, Pasig City.

Idinagadag din niya na nakausap na niya si Ericka at naiintindihan nito ang pinagdadaaan ng huli sapagkat naranasan na rin daw niya ito.

"Pero hindi ko na pina-elaborate sa kanya kasi wala naman akong right na magtanong in the first place, binigyan ko na lang sila ng privacy. Ayoko rin naman makialam, hindi pa naman kami masyado close that time, sobrang saglit ko pa lang nakakatrabaho nun si James, Diary ng Pangit pa lang nung time na yun.”

Gayun pa man inencourage pa rin niya si Ericka “[Sabi ko] kaya mo yan, keep being happy lang, 'wag ka made-depress. Yun lang,” sabi niya.


Hindi daw apektado si Nadine sa kabila ng pandadawit sa kanya sa nasabing hiwalayan dahil: “Wala, kasi hindi ko naman na kailangan i-explain sa kanila yun. Kasi hindi naman talaga, plus kung ayaw naman nila maniwala, hindi ko naman problema yun. Pero at least we all know the truth naman talaga."

See other latest news here.

For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER