• Home
  • News
  • Aso ni Assunta, minsang naging artista

Aso ni Assunta, minsang naging artista

Galing pala sa iba’t-ibang klase ng alak ang pangalan ng mga aso ni Assunta!

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/2/2014 in News
Aso ni Assunta, minsang naging artista

Tulad ng ibang pet owner, kakaiba rin ang choice ni Assunta de Rossi at ng kanyang pamilya pagdating sa pagpapangalan sa kanilang mga alaga.

Sa aming Wrecking Bowl interview sa aktres, ibinahagi niya na Whiskey ang pangalan ng una nilang naging alagang aso.

Patay na siya. Isa siyang askal,” pag-alala ni Assunta. “Tapos napagtripan ng daddy ko na ‘pag may pet kami,kailangang pangalanan niya sa mga hard liquor, like si Rum, si Brandy, si Scotch… Ang first pet namin was named Whiskey.”

Dagdag pa ni Assunta, minsan din ay naitampok si Whiskey sa big screen.

May pelikula ‘yun, ‘yung pelikula nung kapatid ko (Alessandra de Rossi), ‘Azucena,’” kuwento niya. “’Yung aso do’n, ‘yung pet niya do’n, si Whiskey talaga ‘yon. So kahit wala na siya, at least immortalized siya sa pelikula.”

Narito ang ikalawang bahagi ng Wrecking Bowl interview ni Assunta, kung saan sinagot niya rin ang iba pang tanong gaya ng gagawin niya kung maging presidente siya ng Pilipinas at ang gusto niyang matanggap na Christmas gift na halagang P20 lang.



Isa si Assunta sa mga bida ngBeauty in a Bottle,” na tumatalakay sa mga “beauty struggles” ng mga kababaihan.
 
Kasama niya sa pelikulang ito sina Angelica Panganiban, Angeline Quinto, Empress, Ellen Adarna, Cai Cortez, Carmi Martin, Nanette Inventor, Miko Raval, Tom Rodriguez, at Ricci Chan.

Showing na angBeauty in a Bottlena binigyan ng PG rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).   

See other latest news here.

For more updates:

Follow Assunta on:
Twitter: @Samledesma
Instagram: @assuntaledesma

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER