• Home
  • News
  • Piolo Pascual intimidated sa box-office queen title ni Sarah Geronimo?

Piolo Pascual intimidated sa box-office queen title ni Sarah Geronimo?

Alamin ang mga kundisyon ni Piolo Pascual sa paggawa ng kanyang unang pelikula kasama si Sarah Geronimo.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/19/2014 in News
Piolo Pascual intimidated sa box-office queen title ni Sarah Geronimo?

Bagamat excited na ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa kanyang unang tambalan kay Sarah Geronimo sa 2015 post-Valentine film ng Star Cinema, umamin ang actor na nakakaramdam siya ng pressure sa track-record ni Sarah bilang isang box-office queen.

Konsepto ang importante. Siyempre, sa dami na ng nagawa nating pelikula, it's important na bago,” saad ni Piolo sa interview sa PEP.ph. "Mahirap sundan yung 'Starting Over Again' and, of course, yung track record ni Sarah ay nakaka-intimidate.”

Hindi rin daw niya alintana ang kanilang age gap. 26 years old pa lang si Sarah samantalang 37 years old na siya. Bukod pa dun nagtitiwala siya sa nakikitang chemistry nila ni Sarah ng Star Cinema.

“It's not up to me. I mean, for me, I'm just gonna do my job. I’m just doing my job,” pagdidiin niya. "Kasi, alam niyo naman ang Star Cinema, kapag alam nilang 'di magwo-work, bakit pa nila ipe-pair, 'di ba? I think they know better, so pupunta na lang ako doon para magtrabaho. I'll just give my best.”

Nagka-usap at nagkabiruan na daw sina Sarah at Piolo sa set ng “ASAP” at dito ibinigay ng actor ang kanyang mga kundisyon.

Pabiro niyang sabi, “Sabi ko naman kay Sarah, we saw each other sa ASAP, sabi ko, 'Sarah, as early as now, I have to tell you, hindi ako puwedeng kissing scene, hanggang holding hands lang ako. Hindi ako puwedeng mag-love scene.' “Sabi ko sa kanya, may limit lang ang puwede kong gawin. Sinabi ko na bago kami magkatrabaho para clear na rin at hindi ako mag-expect.”

Ayon kay Piolo, mas importante daw sa kanya ang quality kesa ang pagsunod sa deadline kaya wala daw isyu sa kanya kung mas mauunang ipalabas ang reunion film ng hit tandem na KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).

Ayokong nagmamadali sa pelikula kasi nagkaka-stress, nakaka-pressure. Magsa-suffer ang quality, not for anything, but mas maganda na yung napapaganda pa na may oras pa,” turan ni Piolo. “So, kung hindi na umabot, it’s not about the playdate anyway. Basta may maganda kang pelikula, it doesn’t matter kailan ipapalabas.”

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER