• Home
  • News
  • Jolina Magdangal, na-friendzone ni Marvin Agustin?

Jolina Magdangal, na-friendzone ni Marvin Agustin?

Marvin Agustin to Jolina Magdangal: “Hindi man naging tayo, pero totoo ‘yung nararamdaman ko noon.”

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/17/2014 in News
Jolina Magdangal, na-friendzone ni Marvin Agustin?

Hindi sinasadyang magkaaminan ng past feelings para sa isa’t isa ang nagbabalik-tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa kanilang guesting sa “Gandang Gabi Vice (GGV)” na pinalabas kagabi, November 16.

Hindi man naging tayo, pero totoo ‘yung nararamdaman ko noon, totoo ‘yun,” pag-amin ni Marvin kay Jolina.

Ibinahagi rin ni Jolina na niligawan siya ni Marvin.

Nanligaw din naman siya, may mga gifts naman siya,” saad ni Jolina. “Kaya nga nag I love you ako dahil natuwa ako sa mga binigay niya. Kasi mabait talaga si Marvin.”

Ngunit tila hindi sila nagkaintindihan ng isang araw ay nag-"I love you" si Jolina kay Marvin. Ngunit, “thank you” lang daw ang naaalalang isinagot ni Marvin kay Jolina.

Bet ko talaga siya. Inamin ko yun sa mga tao na love ko si Marvin,” pag-amin ni Jolina.

Para sa akin talaga hindi [naging kami]. Hindi nga kasi feeling ko dati nung bata kami, kapag mag-jowa kayo, dapat nag-a I love you kayo sa isa’t isa.  Ako lang ang nag-a I love you,” paliwanag niya.
 

Dagdag pa niya, “Sabi ko noon ‘I love you babe’ at eto ang sabi niya, ‘thank you babe.’”

Ito naman ang naging depensa ni Marvin kay Jolina.

Pwede ka bang hindi mag I love you kay Jolina Magdangal?”

Paliwanag pa niya, “Una sa lahat, sorry pero hindi ko natatandaan yun. Ikaw kasi marami kang pahaging. Marami kang ganun. E ako din naman ang dami ko ring pinaramdam sa’yo. Kung hindi man ako nag I love you sa’yo noon, hindi mo ba naramdaman ever ‘yung pagmamahal ko para sa’yo noon?

Magbabalik tambalan sina Marvin at Jolina sa seryenf “Flor de Liza.”

See other latest news here.

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER