• Home
  • News
  • Beauty Gonzalez may bagong pag-ibig?

Beauty Gonzalez may bagong pag-ibig?

"Kumikinang," ganyan inilarawan ni Beauty Gonzalez ang kanyang bagong buhay pag-ibig.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/12/2014 in News
Beauty Gonzalez may bagong pag-ibig?

Inamin ng aktres na si Beauty Gonzalez na mayroon na siyang bagong boyfriend na si Norman Crisologo, isang artist curator sa kanyang interview sa PEP.ph.

Bago, bago lang din [kami]. Happy, kumikinang!saad ni Beauty ng tinanong kung kamusta ang kanyang bagong pag-ibig.

Ibinahagi rin ng former “PBB” housemate ang mga katangian na kanyang nagustuhan kay Norman.

“He’s very kind, he’s very mabait. I love his works. He’s an art collector, so that’s why,” dagdag niya. “He has kind eyes, nasilaw sa pagmamahal.

Bagamat bukas si Beauty sa pagbabahagi ng kanyang buhay pag-ibig sa publiko, hinihiling pa rin niya na bigyan siya ng privacy.

"Para meron akong i-look forward to this relationship,” paliwawanag niya. “Hindi ko naman tinatago pero kung anong meron kami gusto ko lang yung tao na yung maghuhusga kung anong meron, makikita nila.


Noong nakaraang buwan lamang, inamin ni Beauty na nakipaghiwalay siya sa kanyang businessman boyfriend noong September.

See other latest news here.

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: BeautyGonzales 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER