• Home
  • News
  • Daniel Padilla, nag-react sa pagsali ng inang si Karla Estrada sa ‘The Voice’

Daniel Padilla, nag-react sa pagsali ng inang si Karla Estrada sa ‘The Voice’

Sumama ba ang loob ni Daniel Padilla sa di pag-advance ng kanyang inang si Karla Estrada sa “The Voice?”

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/10/2014 in News
Daniel Padilla, nag-react sa pagsali ng inang si Karla Estrada sa ‘The Voice’

Maski hindi nakalagpas sa next level ng “The Voice” ang inang si Karla Estrada, na sumalang sa blind audition ng nasabing contest, proud pa rin daw si Daniel Padilla sa kanyang ina.
 

Masaya dahil dream niya na sumali sa mga ganung contest. Nagulat ako pero happy din ako kasi gusto niya,saad ni Daniel sa kanyang interview sa “The Buzz” kahapon, November 9.

Sa hiwalay naman na interview kay Karla, inamin niyang hindi niya pinaalam kay Daniel at sa kanyang mga kapatid ang tungkol sa kanyang pagsali sa “The Voice” dahil, “sasabihin niya, ‘Ma ano ba yan, bored ka ba?’

Hindi ko na sinabi, dire-diretso lang ako. Kasi unang-una, siya yung mas kakabahan. Ayaw niya ako na napapahiya or malungkot.”

Kinanta ni Karla ang 1992 rock hit na "What's Up" ng 4 Non Blondes.

Wala man raw nag-ikot ng upuan para sa kanya, masaya pa rin daw si Karla na naranasan niyang sumali sa nasabing contest.

Siyempre nung sumali ako, nasa isip ko na talaga na kung saan lang ako pwede. Ang gusto ko lang ma-experience ko talaga,” sabi niya.

See other latest news here.

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER