• Home
  • News
  • Coco Martin nagcelebrate ng birthday at 10th anniversary sa showbiz

Coco Martin nagcelebrate ng birthday at 10th anniversary sa showbiz

Sunud-sunod ang naging pasok sa swerte sa buhay at karera ni Coco Martin sa taong 2014. Meron pa ba siyang mahihiling?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/1/2014 in News
Coco Martin nagcelebrate ng birthday at 10th anniversary sa showbiz

Star-studded ang naging celebration ni Coco Martin ng kanyang 10th anniversary sa industry at ng kanyang paparating na 33rd birthday na ginanap sa Cities Events Place sa Quezon City noong October 29.

Kasama niyang nag-celebrate ang mga press at naging kasama niya sa industriya sa loob ng sampung taon na pinangungunahan ni Vice Ganda, Kris Aquino, at mga kasamahan niya sa teleseryeng “Ikaw Lamang.”

Nandun din ang executives na ABS-CBN na si CEO Charo Santos-Concio at managing director ng Star Cinema.

Sumali rin sa kasiyahan ang mga director na sina Alfie Lorenzo at Direk Chito Roño na siyang magdi-direk ng kanyang horror film na “Feng Shui” na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Lahat ng projects ng actor sa taon 2014 ay naging matagumpay gaya na lang ng kanyang blockbuster film na “Maybe This Time” na pinagbidahan nila ng Popstar Princess Sarah Geronimo at ang top-rating teleserye na “Ikaw Lamang” kung saan niya muling nakasama sina Kim Chiu at Julia Montes.

Wala na nga raw siya halos mahihiling pa sabi niya:

"Wala. Honestly, siguro nakakahiya namang sabihin, pero halos lahat ay ibinigay na sa akin lahat, e. Kasi nga, sabi ko nga, ang hiling ko naman noong araw ay magkaroon ng regular na trabaho. And then, ngayon, halos lahat ay ibinigay sa akin na blessing. 
Talagang sobrang pinagsusumikapan ko kung anuman meron ako ngayon."

Ngunit kung meron man, inamin ng actor na ito marahil ang pagkakaroon ng lovelife.

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: CocoMartin 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER