• Home
  • News
  • Bitter ba si Maxene Magalona sa kanyang mga exes?

Bitter ba si Maxene Magalona sa kanyang mga exes?

Maxene Magalona, inaming di na nakikipag-usap sa anak ni Lorna Tolentino na si Renz Fernandez

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

11/1/2014 in News
Bitter ba si Maxene Magalona sa kanyang mga exes?

Diretsahang inamin ni Maxene Magalona na inunfollow na niya social media at tuluyan ng di kinakausap ang dating nobyong si Renz Fernandez, anak ng bakitang aktres na si Lorna Tolentino.

 “I can’t be friends with my exes.” Hindi rin siya nakikipag-usap sa mga naging past boyfriends niya,” kwento ni Maxene sa kanyang guesting sa “Aquino and Abunda and Tonight” kagabi October 30. “Because ganun talaga nag-end. Almost all my breakups were really, really bad.”

Ngunit nilinaw naman niya na maayos naman ang kanilang paghihiwalay ni Renz noon.

Kagagaling lamang ni Maxene sa breakup sa kanyang non-showbiz boyfriend.  

Dapat ‘wag na pansinin kung sino yung nakipag-break as long as you both know that you’re not meant for each other or it’s not going to work out. It’s still a brave decision for you to say ‘wag na, tama na.”

Sa ngayon, isasantabi muna ni Maxene ang pakikipagrelasyon para makapag-focus kanyang career at sarili dahil, “Kailangan mo talagang mahalin ang sarili mo, if not, it’s not going to work out ever.”

Pagkatapos niyang maging hurado sa “It’s Showtime,” nakatandang gumanap na kontrabida si Maxene sa bagong teleserye ng ABS-CBN.

“I’m so grateful to ABS-CBN. I’m actually gonna have my first show, kasama si Zanjoe Marudo,” sabi ni Maxene sa kanyang nakaraang interview.

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER