• Home
  • News
  • JM de Guzman, Nadine Samonte topbill ‘MMK’ this Saturday

JM de Guzman, Nadine Samonte topbill ‘MMK’ this Saturday

Nadine Samonte marks her first acting project with ABS-CBN in a special episode of “MMK” co-starring JM de Guzman.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/8/2014 in News
JM de Guzman, Nadine Samonte topbill ‘MMK’ this Saturday

Kunwa-kunwariang relasyon, pwedeng mauwi sa totohanang pag-ibig?

Bibida ang Kapamilya actor na si JM de Guzman sa "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Oktubre 11). Gaganap siya sa upcoming episode bilang si Joeven, ang binatang nagawang iwasan ang binabaeng may gusto sa kanya sa tulong ni Rachel (gagampanan ni Nadine Samonte) na pumayag na magpanggap bilang girlfriend niya.

Posible nga bang mauwi sa seryosohang pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa kunwa-kunwarian?

Kasama nina JM at Nadine sa upcoming episode sina Neil Coleta, Karen Reyes, Almira Muhlach, Paco Evangelista, Elaine Quemel, Kim Molina, Dawn Jimenez, at Aina Solano.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado, 8PM, pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na
#MMKTwistsOfLove.

Tags: ABSCBN  JMDeGuzman 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER