• Home
  • News
  • Piolo Pascual, Sarah Geronimo magtatambal sa isang Valentine film

Piolo Pascual, Sarah Geronimo magtatambal sa isang Valentine film

Pinaplantsa na ang pinaka-aabangang pagsasama ng Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual at box-office Queen Sarah Geronimo sa bigscreen!

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/31/2014 in News
Piolo Pascual, Sarah Geronimo magtatambal sa isang Valentine film

Hindi nalang basta sa “ASAP” production number magsasama sina Sarah Geronimo at Piolo Pascual kundi pati na rin sa isang pelikula.

Ibinahagi ni Piolo sa isang interview sa PUSH.com na magsisimula na silang mag-shooting ni Sarah para sa kanilang kauna-unahang pelikula na isang romantic movie na ipapalabas sa Valentine’s Day.

Matagal ko na rin pinagarap na makasama si Sarah so finally ito na nga nakapag pitch na sila sa amin pareho and excited ako sa project na ito,” saad ni Piolo.

Willing si Piolo na magbigay ng oras para sa kanilang pelikula sa kabila ng kanyang hectic shooting schedule para sa teleseryeng “Hawak Kamay.”

Magpapahinga ako ng mga ilang araw. Hindi naman pwede na matagal na pahinga hindi ko pa alam bahala na si Batman pero magsisimula na kami ng pelikula with Sarah for Valentines kaya hindi ko alam kung paano ko magagawa magpahinga,” paliwanag ni Piolo. “Pero ayun may playdate na siya, goodluck pero Christmas vacation meron naman, pero priority pa rin ang trabaho.”

Huling nakasama ni Piolo sa big screen si Toni Gonzaga para sa pelikulang“Starting Over Again” na kumita ng napakalaki sa takilya noong February 2014.

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER