Iya Villania leaves ABS-CBN

May project kayang gagawin sina Iya at asawang Drew Arellano ngayong pareho na sila ng network?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/29/2014 in News
Iya Villania leaves ABS-CBN

Pumirma na ng exclusive contract sa GMA network ang dating Kapamilya actress na si Iya Villania ngayon, Oct. 29, ayon sa report ng PR department ng nasabing network.

Inupload ang picture ni Iya na pumipirma ng kontrata kasama ang mga executives ng GMA sa Instagram account na @kapusoprgirl.


“Iya Villania (@iyavillania) inks exclusive contract with GMA Network. Welcome back, Kapuso!❤,” ang nakasulat sa caption.

Lumipat si Iya sa ABS-CBN network nung 2004. Nakagawa siya ng ilang teleserye kagaya ng “Mars Ravelo's Lastikman ,” “Only You,” at “Apoy Sa Dagat” ngunit mas umangat siya bilang host sa female show na “US Girls” at bilang VJ sa Myx Channel.

Isa rin siya sa mga mainstay na Sunday variety show na “ASAP” bago ang kanyang paglipat.

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: IyaVillana 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER