• Home
  • News
  • Bea Alonzo, Zanjoe Marudo nagkakalabuan na ba?

Bea Alonzo, Zanjoe Marudo nagkakalabuan na ba?

Binahagi ni Bea Alonzo ang madalas na dahilan ng pag-aaway nila ni Zanjoe Marudo.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/29/2014 in News
Bea Alonzo, Zanjoe Marudo nagkakalabuan na ba?

Itinanggi ng aktres na si Bea Alonzo ang usap-usapang hiwalay na sila ni Zanjoe Marudo sa ginanap na story conference ng kanyang bagong pelikula “Crossroad” kahapon, October 28.

"It doesn't bother me, kasi alam ko naman 'yung totoo. We don't have a perfect relationship, but we're perfectly fine with it. I mean, we fight and nagkakabati rin kami. It's just part of being in a relationship. Gano'n lang 'yon. You fall and then you learn,” saad ni Bea. "It's not like pag mag-aaway kami, i-a-announce ko sa lahat ng tao, but one thing is for sure, we're still together. Malalaman niyo naman if we're not together."

Inamin din ng young Movie Queen na ang kawalan ng oras sa isa’t isa ang madalas na pinag-uugatan ng away nila Zanjoe na busy naman sa kanyang paparating na teleserye kasama ang child star na si Jana Agoncillo.

"Pinag-aawayan namin 'yan, iyong lack of time for each other, but nagkakaintindihan naman," paliwanag niya. "Pag ikaw na 'yung nandoon sa posisyon na hindi mo na nakikita 'yung partner mo, talagang minsan it gets to your head, eh."

 

"Nakakairita na parang gusto mong kumain sa labas, wala kang kasamang boyfriend, at siya rin walang kasamang girlfriend. So nagiging [problema] siya. Pag hindi kami masyado nagkikita, doon nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.”

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER