• Home
  • News
  • Jane Oineza, Marlo Mortel play cancer patient lovers on 'MMK'

Jane Oineza, Marlo Mortel play cancer patient lovers on 'MMK'

Jane Oineza returns to “MMK” through a yet another heart-wrenching story.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/23/2014 in News
Jane Oineza, Marlo Mortel play cancer patient lovers on 'MMK'

Magtatambal sa unang pagkakataon ang International Emmy-nominated actress na si Jane Oineza at ang Kapamilya heartthrob na si Marlo Mortel sa upcoming drama episode ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Oktubre 25). Gaganap sila bilang cancer patients na sina Rovil at Paolo na sa dalas ng pagkikita ay unti-unti nang nahulog ang loob sa isa't isa.

Nawalan na nang ganang mabuhay si Paolo (Marlo) mula nang ma-diagnose na may leukemia. Ngunit, mababago ang pananaw niya sa buhay nang makilala niya ang masayahing si Rovil (Jane) na may mas malalang kaso ng leukemia kaysa sa kanya. Sa tulong ni Rovil, natutunan ni Paolo na pahalagahan ang oras at gawin ang lahat ng magpapasaya sa kanila sa bawat sandali ng kanilang buhay.

Posible ba ang habambuhay para sa mga tulad nina Rovil at Paolo na kapwa may malubhang karamdaman? Sapat na ba ang pag-ibig para harapin ng buong tapang ang kamatayan?

Makakasama nina Jane at Marlo sa kanilang unang pagtatambal sa "MMK" sina Andrea Del Rosario, Justin Cuyugan, Mariel Pamintuan, Cheska Billiones, Deydey Amansec, Patrick Sugui, Bryan Homecillo, Jenny Miller, Suzette Ranillo, at Tess Antonio. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz De la Torre at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.


Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado, 8PM, pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKLittleInfinity.

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER