• Home
  • News
  • Child star Louise Abuel plays orphan child on ‘MMK’

Child star Louise Abuel plays orphan child on ‘MMK’

How will an orphan child rise above his situation?

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/2/2014 in News
Child star Louise Abuel plays orphan child on ‘MMK’

Patuloy na magbabahagi ng inspirasyon ang "MMK" sa episode nito ngayong Sabado (Oktubre 4) na magtatampok sa buhay ni Joshua (gagampanan nina Louise Abuel at Benjamin de Guzman) na umalis ng Antique sa edad na anim taglay ang pangarap na magkaroon ng mabuting buhay. Ngunit matapos malungkot sa ilalim ng pangangalaga ng istriktong tiya, lumayas si Joshua at piniling mabuhay mag-isa. Mula noon, naranasan niya ang lupit nang mamuhay sa mga kalye sa Antipolo.

Paano nagawa ni Joshua na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kahirapan?

Bahagirin ng upcoming episode sina Aiko Melendez, John Arcilla, Odette Khan, Shamaine Centenera, Glenda Garcia, Boboy Garovillo, Jed Montero, Emman Vera, Marithez Samson, Kyle Banzon, Gerald Pesigan, Winryll Banaag, John Vincent Servilla, at Brace Arquiza. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka at panulat ni Joan Habana. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito  Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

 

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK" tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa ibapang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKPamilya.

For more updates:

Follow Star Cinema on:

Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: LouiseAbuel 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER