• Home
  • News
  • ‘PBB’ second big placer Maris Racal showcases dramatic skills on ‘MMK’

‘PBB’ second big placer Maris Racal showcases dramatic skills on ‘MMK’

Maris Racal will play a doting daughter for “MMK’s” upcoming episode.

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

10/15/2014 in News
‘PBB’ second big placer Maris Racal showcases dramatic skills on ‘MMK’

Susubukin ang husay sa drama ng "Pinoy Big Brother All In" second big placer na si Maris Racal sa kanyang kauna-unahang "Maalaala Mo Kaya" episode sa ABS-CBN ngayong Sabado (Oktubre 18).

Gaganap si Maris bilang si Myla, ang mapagmahal at masipag na anak ng seaman na si Dionisio (gagampanan ni Nonie Buencamino).

Bilang kaisa-isang babaeng anak, paborito ang turing ni Dionisio kay Myla. At sa kabila ng pagtatrabaho sa ibang bansa, hindi nawala ang pagiging malapit ng mag-ama sa isa't isa.

Palagi ay pinaaalalahanan ni Dionisio si Myla na magsikap upang makamit ang kanyang pangarap na makapagtapos ito ng pag-aaral. Ngunit magkakalamat ang samahan ng mag-ama nang dumaan sa pagsubok ang relasyon ni Dionisio sa kanyang asawa.

Sa gitna ng matinding pagsubok, ano ang magiging mas matimbang para sa isang anak--ang kasalukuyang mga pagkukulang ng kanyang ama o ang ipinadama nitong wagas na pagmamahal at suporta mula pagkabata niya?

Tampok rin sa upcoming episode sina Dexie Daulat, Mickey Ferriols, Eva Darren, Tony Mabesa, Encar Benedicto, Jong Cuenco, Alfred Labatos, Yogo Singh, at Lui Manansala. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat nina Arah Jell Badayos at Joan Habana. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado, 8PM, pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKAFathersPromise.

See other latest news here.
 
For more updates:

Follow Star Cinema
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

Tags: ABSCBN 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER