REGGEE'S DIGEST: Director weighs in on Aljur's performance on 'Ang Probinsyano'
Direk Malu answers comparisons in directing Aljur and Ejay
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
8/7/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Director weighs in on Aljur's performance on 'Ang Probinsyano'

Napuri ni Direk Malu Sevilla si Aljur Abrenica sa first taping day nito para sa "FPJ’s Ang Probinsyano" dahil nakitaan daw niya ito na gustong matuto.
 
Nakatsikahan namin ang isa sa direktor ng "FPJAP" sa ginanap na 100 weeks celebration ng programa kamakailan at nabanggit nga niya na siya ang nag-direk sa bagong lipat na aktor.
 
Tinanong namin kaagad kung marunong umarte dahil nga kilala si Aljur na isang ham actor.
 
“Okay, okay, may willingness 200%. May template na kasi siya. Hindi naman kailangan ng matinding acting pa, kasi aksyon ito, eh, so walang malalim na drama,” sagot sa amin ni direk Malu.
 
Ikinumpara namin si Aljur kay Ejay Falcon noong nagsisimula palang siya na talagang tinuruan nang todo ni Direk Malu umarte sa seryeng "Katorse."
 
“Magkaiba kasi sila (Ejay at Aljur). Drama kasi ‘yun ('Katorse'), kay Ejay, itong kay Aljur, it’s an action drama, so far, acting requirement dito for him (Aljur) is not a highly dramatic. So magkaiba talaga,” paliwanag mabuti ng direktor.
 
Ginagampanan ni Aljur ang karakter na Miguel na anak ng corrupt businessman na si Jestoni Alarcon at may-ari ng isang mining company at may mga ginagawang illegal,
 
Magkakaroon ng kuneksyon sina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Miguel (Aljur) sa kuwento ng "FPJ’s Ang Probinsyano."
 
Hirit pa ni Direk Malu, “I think he’s (Aljur) a special guest, hindi ko lang alam kung gaano katagal ang run no’n.”

Anyway, speechless si Aljur nung kinarga niya sa unang pagkakataon ang anak nila ni Kylie Padilla na si Alas Joaquin Abrenica na may timbang na 7.5 pounds.

 

Tags: Aljur Abrenica 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER