REGGEE'S DIGEST: 'The Better Half,' nakaka-LSS ang soundtrack
Sino ang hindi mai-in love sa mga kanta sa "The Better Half"?
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
8/2/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: 'The Better Half,' nakaka-LSS ang soundtrack

Maganda ang soundtrack ng "The Better Half" TV series kaya pala maraming may gusto nito dahil magaganda at nakaka-LSS (last song syndrome), tulad ng "Marco's Theme: Saglit" at "Malaya" na parehong kanta ni Moira Dela Torre; Ang "Hanggang" nina Morissette at Erik Santos; "Ano'ng Nangyari sa Ating Dalawa?" ni Aiza Seguerra; at "Bawat Daan" ni Ebe Dancel at mapapakinggan ito sa starmusic.ph, iTunes, at Spotify.
 
Sa mga gustong makita nang personal ang mga bida ng seryeng "The Better Half" na sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC de Vera, at Denise Laurel ay pumunta sa Robinsons Antipolo Atrium sa Sabado, August 5, 5 pm para sa mall show cum fans day.
 
Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng "The Better Half" ay alam na ni
Camille (Shaina) na may kinalaman si Bianca (Denise) sa pagkamatay ni Sheryl (Regine Angeles) matapos mabasa ang sulat ni Jonas (Gerald Madrid).
 
Binuksan na ulit ang kaso laban kay Bianca at maghahanap sila ng mga testigo para madiin ito at isang tao ang magpapatunay na si Ferdie.
 
Magtutulungan namang umalis si Bianca (Denise) ng bansa at ama nitong si Alfredo (Bart Guingona) at matutunugan ito nina Camille (Shaina), Rafael (JC), at Marco (Carlo) ang kanilang plano kaya susundan nila ang dalawa.
 
Si Alfredo, sa kagustuhang masagip ang anak, ay makikipagbunuan sa mga pulis at kalauna’y mababaril. Hindi matatanggap ni Bianca (Denise) ang nangyari sa ama kaya pinangakong maghihiganti kay Camille (Shaina).

 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER