REGGE'S DIGEST: Coco, nagbigay-pugay sa mga nagbuwis ng buhay para sa bayan
Coco, nagpaabot ng mensahe sa mga kababayang sundalo
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
8/1/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGE'S DIGEST: Coco, nagbigay-pugay sa mga nagbuwis ng buhay para sa bayan

Sa "ASAP Live in Toronto" ay tinanong kami ng mga kaklase naming doon na nakatira kung bakit wala si Coco Martin. Naroon daw kasi ang leading lady niya sa "FPJ’s Ang Probinsyano" na si Yassi Pressman.
 
Sinabi namin na baka hindi naman inoperan si Coco sa "ASAP Live in Toronto" at kung inalok eh baka tumanggi ang aktor dahil hindi siya puwedeng umalis nang matagal sa Pilipinas.
 
Limang beses kasi sa isang linggo ang tapings niya ng "FPJ’s Ang Probinsyano." Weekends naman ang shooting niya ng "Ang Panday" na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival.
 
Masyado lang dedicated si Coco sa trabaho niya.
 
Samantala, kailan lang ay nag-post si Coco tungkol sa mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Marawi City. “Itinaya ang buhay para sa bansa. Saludo po ako sa lahat ng mga sundalo!” saad niya.
 
Timing din ito sa umeereng kuwento ng "FPJ’s Ang Probinsyano" nitong nakaraang araw na nagpakita ng pakikipag-sagupaan ng SAF sa mga rebelde at dahil nagapi sina Coco ay nahulog sila sa kamay ng grupo ni Lito Lapid na hindi siya namukhaan kaya tinanong kung sino siya (Cardo Dalisay) at bakit siya may sugat.
 

 

Tags: Coco Martin 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER