REGGEE'S DIGEST: Kim Chiu tries - and succeeds - taking on a 'crazy route'
Kim: "You don't have to go fast. You just have to go."
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
8/1/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Kim Chiu tries - and succeeds - taking on a 'crazy route'

Ilang araw bago ang "ASAP Live in Toronto" sa Ricoh Coliseum ay nagkaroon muna ng pasyal-pasyal ang lahat ng artists at production staff sa magagandang tanawin sa Toronto, Canada.
 
Base sa mga litratong nakita naming pinost sa social media ng bawat artistang kabilang sa "ASAP" ay pinuntahan nila ang Niagara Falls na nasa boundary ng Ontario at New York City, USA, parks, at iba pang lugar.
 
Iba naman ang drama ni Kim Chiu dahil tumakbo siya sa napakagandang High Park na 398 acres sa Ontario maski na maulan at umaaraw din, tulad ng klima nitong mga huling araw sa Pilipinas.
 
Base sa Instagram post ni Kimmy, “Good morning!!! 16 km run done, tried a crazy route yesterday morning! Up ‘hells to the crazy nth level getting ready for a big 21 k run!”
 
At dahil nasarapan sigurong tumakbo ang aktres sa ganda ng mga nakita niya sa paligid na pawang luntian ay napabilis ang takbo niya kaya napulikat siya at naglakad na lang.
 
Aniya, “you don’t have to go fast; you just have to go. yesterday during my 16 k run had cramps on my left leg and a little click in my knees but was happy am able to finish my goal but I hope this is nothing serious.”
 
Mukhang naadik na si Kim sa kakatakbo, ah?  Ensayo na rin niya ito dahil sa mga sinasalihan niyang marathon sa Pilipinas bukod pa sa true-to-life role niya sa seryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin" kasama si Gerald Anderson na hindi naman nakitang kasamang tumatakbo kasama ang dalaga.
 
 

 

Tags: Kim Chiu 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER