Reggee's Digest: Khalil, sa abroad ipagpapatuloy ang pag-aaral ng filmmaking?
Is Khalil Ramos a friend or a foe on 'La Luna Sangre'?
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
7/28/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
Reggee's Digest: Khalil, sa abroad ipagpapatuloy ang pag-aaral ng filmmaking?

Nag-enroll pala si Khalil Ramos filmmaking sa College of St. Benilde noong 2015, mga panahong hindi siya gaanong abala sa showbiz career niya.
 
Ang mga nakatrabaho niyang direktor ang naging influence niya tulad nina Direk Erik Matti ("Honor Thy Father"), Paul Soriano ("Kid Kulafu") at Cathy Garcia-Molina ("Princess and I," "A Second Chance," "She’s Dating The Gangster").
 
"Kumuha ako ng filmmaking at plano ko ring mag-aral abroad pero nasa likod lang siya ng utak ko.  Nagtayo din ako ng production house, online content ang ginagawa namin, so iyon ang ginagawa ko when I’m not in front of camera, so focus din ako sa creating content.
 
“As of now, hindi ko pa masabi kung in the future ay tatahakin ko ang directing o cinematography,” kuwento ni Khalil nang makatsikahan namin.

Nakuwento ni Khalil na kapag break time ay nagtatanong siya sa mga direktor niya.

“Oo, nangingialam ako sa mga teleserye at pelikula pagka napapansin kong wala silang ginagawa, tsinitsika ko, gusto kong malaman lahat ng information kasi sa school, actually fundamentals, basic lang matututunan mo, sa field mo talaga maka-capture ‘yung buong experience.  

"So for me, either directing of cinematography, pero I can say for now, hindi ko muna siya ipu-pursue kasi acting muna ako ngayon na kailangan kong pagbutihin,” paliwanag ni Khalil.
 
As of now ay regular si Khalil sa "La Luna Sangre" bilang bampira pero hindi pa nari-reveal sa tumatakbong kuwento ng serye kung kaaway o kakampi siya nina Tristan (Daniel Padilla) at Malia (Kathryn Bernardo).
 
“Wala akong dugo ni Sandrino (Richard Gutierrez) kasi kinagat lang naman ako ng ordinaryong bampira at nabuhay ako. Malalaman ko pa kasi may mga tapings pa naman ako...,” say ng aktor.
 

Tags: Khalil Ramos 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER