REGGEE'S DIGEST: Direk Quark at Dra. Vicki, nagkaayos na ba?
Plus, kumusta na rin ang samahan nina Direk Quark at Hayden?
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
7/28/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Direk Quark at Dra. Vicki, nagkaayos na ba?

Hindi na nakaiwas si Direk Quark Henares sa ilang entertainment press na nangulit sa kanya tungkol sa ginanap na kasal ng mommy niyang si Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa pamamagitan ng civil rites officiated by Makati City Mayor Abby Binay noong Hunyo 23.
 
Matatandaang nagtampo si Direk Quark sa nanay niya dahil walang pasabi sa kanila ng kapatid niyang si Cristalle Henares-Pitt ang pagpapakasal nito.
 
Post nga ni direk Quark sa Facebook page page niya, “Dear people with children: If you ever get married again be sure to give the kids a heads up, lest they find out via reporters calling them in the middle of the night.”
 
Kami ang nagparating sa direktor na ikinasal ang nanay niya kay Hayden at nasa Amerika siya nung araw na iyon.
 
Ayon kay Direk Quark ay maayos na silang mag-ina. “Okay na, nag-sorry rin noong umuwi ako,” natatawang sagot ni direk Quark.
 
Ang katwiran ni Direk Quark tungkol sa kasal, “hindi big thing ‘yun.  Apparently, ito pala 'yun kasi kailangan lang ng French embassy na magpapakasal naman talaga sila, 'di ba?
.
“So, parang hindi siya big thing. Kaya kung makikita mo, parang apat lang sila, 'di ba?
 
“So, parang na-guilty na rin siya na parang hindi niya ako nasabihan. So, all is good in the world,” kuwento ng nag-iisang anak na lalaki ni Dra. Vicki.
 
Sabi naman daw sa kanya ni Hayden, "'Sorry na.' So okay na, alam niyo naman ako guys, easy going.”
 
At sa nalalapit na kasal ng nanay niya ngayong Setyembre ay siya raw ang best man. 

"I don’t know kung anong tawag doon sa maghahatid. Yes, I’m gonna walk my mom sa aisle," pagkumpirma niya. 
 
Eh si Cristalle? “I’m not sure, actually. She might host.”
 
Nabanggit pa niya na ang wedding coordinator daw nina Cristalle at asawang si Justine Pitt ang nag-aasikaso rin ng kasal nina Dra. Vicki at Hayden.
 
Kuwento pa ni Direk Quark, “They (wedding coordinator team) went to Paris two weeks ago to check out the place and everything. It’s exciting.”
 
At tungkol naman sa relasyon nina Hayden at Direk Quark...

“Okay naman chills, alam mo naman bros,” tumatawang sagot ni Direk Quark.
 
Sa tanong namin kung natuloy na ang "pirmahan" na ang ibig naming sabihin ay pre-nuptial agreement nina Dra. Vicky at Hayden base na rin sa gustong mangyari ng mga anak ng una bago ikasal...
 
“I think so, Actually, I don’t know,” sagot sa amin ng director.
 
Si Direk Quark naman, kailan magpapakasal?

“Oo nga, eh.  Malapit  na ‘yan,” tumatawang sagot sa amin. “Siyempre hindi ko sasabihin ang mga plans ko. May girlfriend naman ako, one year na.”
 
At inamin uli niyang sigurado na siya na ang present girlfriend niya ngayon ang makakatuluyan niya. 

“Parang sure na ako, eh," say ng batikang direktor.

 

Tags: Quark Henares 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER