Reggee's Digest: Sylvia, katatakutan sa susunod na proyekto!
"Dito... wala, parang galit ako sa mundo."
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
7/26/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
Reggee's Digest: Sylvia, katatakutan sa susunod na proyekto!

Walang puso at katatakutan ang karakter ni Sylvia Sanchez sa upcoming indie movie niyang "Nay" mula sa Cinema One Originals na sinulat at ididirek ni Kip Oaebanda na nakilala sa mga pelikulang "Tumbang Preso" (2014); "Justine Barber" (2014), at "Bar Boys" (2016).
 
Matapos paiyakin at mahalin ng televiewers ng "The Greatest Love" si Mama Gloria (karakter ni Sylvia) ay kamumuhian at katatakutan siya sa "Nay" na mapapanood sa Nobyembre sa Cinema One Originals Film Festival.
 
Magsisimula nang mag-shoot si Sylvia ng "Nay" sa ikatlong linggo ng Agosto na aminadong gustung-gusto niya ang bago niyang karakter dahil hindi pa niya ito nagagawa sa buong showbiz career niya.
 
“Ang ganda ng istorya, Reggee, ang ganda ng script kaya talagang um-oo ako.  Sabi ko nga kung sa 'TGL,' sobra-sobra ang pagmamahal ko sa lahat, dito sa 'Nay,' wala, parang galit ako sa mundo.  Hindi ko puwedeng ikuwento sa’yo.”
 
Makakasama ng aktres sina Enchong Dee at Jameson Blake ng "Pinoy Big Brother 737" at miyembro ng Hashtags.
 
Ang dalawang aktor na makakasama ni Ibyang na sina Enchong at Jameson ay dumaan daw muna sa audition, sabi mismo sa amin ng taga-Cinema One.

Tags: Sylvia Sanchez 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER