Reggee's Digest: Awra, waging-wagi sa 'Amazing Ving'!
Bongga ang beginning ng "Amazing Ving"!
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
7/26/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
Reggee's Digest: Awra, waging-wagi sa 'Amazing Ving'!

Ang tarush ni Awra Briguela dahil nakakuha kaagad ng rating na 28.8% nationwide ang unang episode niya ng "Wansapanataym Presents: Amazing Ving" nitong Linggo, Hulyo 23, kumpara sa katapat nitong programa sa kalabang TV network na 18.5% lang base sa datos ng Kantar Media.

Trending din ito sa social media - with the official hashtag na #WansaAmazingVing - sa rami ng nag-tweet na supporters ni Awra.
 
Nakilala na nga ng mga manonood ang batang si Ving at natunghayan ang kanyang kabutihan sa pagpapakita niya ng kagandahang-asal at pagtulong sa kapwa. Ngunit agad siyang humarap sa pagsubok nang patayin ni Reptilya (Bianca Manalo) ang kanyang inang si Soffy (Carmi Martin) habang patungo sila sa isang outreach program. 

Muntik na ring malagay sa panganib ang kanyang buhay pero sa tulong ni Super Bing (Ellen Adarna), naligtas si Ving mula sa kapahamakan.
 
At ngayong nagkrus na ang landas nina Ving at Super Bing, mas nalalapit na ang oras ng kanyang pagiging ganap na tagapagligtas dahil mangyayari na ang matinding labanan sa pagitan nina Super Bing at Reptilya na mag-uudyok sa superhero na ipagkaloob ang mahiwagang bato sa binatilyo.
 
Kasama rin sa cast ng serye sina Kisses Delavin, Marco Gallo, AC Bonifacio, at Ria Atayde mula sa direksyon ni Alan Chanliongco.
 
Mapapanood ang "Wansapanataym Presents: Amazing Ving" tuwing Linggo sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Tags: Awra Briguela 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER