Reggee's Digest: Albert ibinahagi ang mga pagbabago sa KathNiel
Napasenti rin si Albert sa "Princess and I" days with Daniel at Kathryn
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
7/26/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
Reggee's Digest: Albert ibinahagi ang mga pagbabago sa KathNiel

Pagkatapos ng ilang buwang bakasyon ay balik-teleserye na si Albert Martinez sa "La Luna Sangre" bilang si Professor Theodore Montemayor, pinuno ng moonchasers na kinabibilangan ni Daniel Padilla (Tristan).
 
Sa set visit ng "LLS" ay inamin ni Albert na isa sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang serye ay dahil gusto niyang makatrabaho ulit sina Daniel at Kathryn Bernardo na huli niyang nakasama sa "Princess and I" noong 2012.
 
Aniya, “it’s a long overdue!  Actually nung natapos ang 'Princess and I,' na-miss ko ‘yung buong team ng serye na ‘yan and I’ve been longing na someday soon magkasama kami ulit.
 
“Actually, the production staff and most of the actors of 'Princess and I,' nandito so parang reunion namin ito.
 
“’Yung bonding namin sa 'Princess and I' ay solid na, so parang nag-continue lang ngayon, mga anak ko na ‘yan.  Sa 'Princess and I,' baby pa sila (KathNiel), ngayon adult na sila pareho na nakakatuwa rin naman and they grew up to be very good people.”
 
At ang laki na raw ng pagbabago ng KathNiel ngayon.
 
“Typical teenager na malikot, maharot na masaya, funny because of their age.  ‘Yung humor nila completely changed na, masaya pa rin sila, pero alam mong adult na, ‘yung level ko at level nila actually, parang magkasabay na.  ‘Yung dati kasi feeling ko six years old lang sila.
 
“Ngayon kapag nagkukuwentuhan kami ni Daniel, kung ano ‘yung level ko, ‘yun ang level niya.  Naabot na nila ‘yung level of wisdom and adult mindset, tamang-tama pa rin because of their age na sa tingin ko, parang maaga pa rin, but again, I’m happy na umabot sila sa ganun (level) na mayroon silang sense of responsibility, sense of awareness, sense of respect, and they were professional before, ngayon, ibang level na dahil ang passion nila for work is in a professional level, it goes with age,” nakangiting kuwento ni Albert.
 
Samantala, kung magaling manghula ang mga sumusubaybay ng "La Luna Sangre" ay mahuhulaan nila ang papel ni Albert Martinez kung kakampi siya ng mga tao at lobo o kaaway siya at kakampi siya ng bampira.
 
Ayon kay Albert ay masyadong malalim ang karakter niya bilang si Professor T dahil maraming unfold stories na malalaman sa mga susunod pang episodes ng "La Luna Sangre."
 
“Ang profile ng character ko dito is, overachiever to begin with, he studied probably in Harvard (University) and became one of the scientists ng Pennsylvania State University at natuon 'yung atensyon niya sa biological composition ng bampira. Hindi ko ikukuwento kung bakit kaya may backstory ‘yan.
 
“So ‘yung buong buhay niya (Professor T), itinuon niya sa pag-aaral tungkol sa bampira, how to deal with them, probably cure them, ‘yun ang mundong iniikutan niya. So may backstory na malalim ito kaya mysterious ‘yung character niya. So we will reveal in the future,” kuwento ng aktor.
 
Makahulugan ang sagot ni Albert sa tanong kung "imortal" ang karakter niya sa "LLS."
 
“Let’s just move forward, marami pang maa-unfold, ayoko namang maging spoiler," saad niya.
 
Pero may skills daw si Professor T pagdating sa action. “Malalaman in the future kung bakit skilled ako at ‘yung kilos ko eh para akong sila (bampira)," sabi niya.
 
Hayan sa mga mambabasa ng Reggee’s Digest, bahala na kayong mag-isip kung sino talaga si Professor T sa "La Luna Sangre."
 

Tags: Albert Martinez 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER