• Home
  • News
  • 'Can't Help Falling In Love' celebrates over P300 million worldwide gross!
'Can't Help Falling In Love' celebrates over P300 million worldwide gross!
In transcript: KathNiel's #CHFILThankYouParty speeches!
Cheska Espina
by Cheska Espina
5/9/2017 in News
0
'Can't Help Falling In Love' celebrates over P300 million worldwide gross!

Earlier today, May 9, the entire cast, creative, and production teams of "Can't Help Falling In Love" held a THANK YOU party, for the impressive success of their film.

Lead stars Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, together with co-stars Cherry Pie Picache, Matteo Guidicelli, Kristel Fulgar and Janus Del Prado, are brimming with gratitude to everyone who has watched and believed the biggest summer film.

It was also announced at the party that the blockbuster film has already grossed P300 million and still counting, worldwide.

ABS-CBN President Carlo L. Katigbak, Star Cinema COO Malou N. Santos, and blockbuster director and creative head Olivia Lamasan also attended the celebration.

Moreover, in their speeches, the "1 billion love team" related how thankful they are to the people in front and behind the cameras.

Here are their full speeches:

Daniel's speech:

"Unang-una po, magandang tanghali po sa inyong lahat. First of all, Direk, sa'yo muna, maraming-maraming salamat Direk siyempre sa tulong mo sa'kin. Tayong dalawa lang ang may alam nung pinagdaanan nating dalawa sa pelikulang 'to kaya maraming-maraming salamat Direk sa paggabay, sa tiwala mo sa'kin at syempre sa pagmamahal mo sa'min ni Kathryn. Maraming-maraming salamat. 

"Sunod kay Kristine (Gabriel) tsaka kay Carmi (Raymundo) maraming-maraming salamat sa inyo. Maraming-maraming salamat sa inyong dalawa dahil binigyan kami ng Diyos ng magagaling at syempre mga matatalinong mga writers, maraming salamat. Leo (Garcia), maraming salamat sa'yo, maraming salamat Leo alam mo na 'yun. 

"At syempre sa staff natin maraming-maraming salamat sa inyo dahil napapasaya niyo si Kathryn 'pag nangangailangan siya. Maraming-maraming salamat sa inyo at syempre sa mga nakasama kong artista... Janus, maraming-maraming salamat sa'yo 'tol dahil syempre sa mga panahon na tayo eh nalulugmok nandyan ka, hindi ka tumigil magsalita. Matteo, sir maraming maraming salamat sa respeto at napakagaling niyo ho sa pelikulang ito tsaka sa mabuti niyo pong puso, thank you sir. Kristel thank you sa relationship na binigay mo, sa K-pop na in-introduce mo, hindi joke lang. Maraming-maraming salamat Kristel at sa bonding niyo ni Kathryn. Tita Cherry Pie maraming salamat, ako nung first time kita nakita na-starstruck talaga ako sa'yo. Promise tita nung nasa restaurant tayo *shock face*. Grabe eh.

"Sa promotions (Ad Prom), gusto kong magpasalamat sa team ng promotions, Ang galing niyo, maraming salamat sa inyo. Sa crew natin, mga boys, maraming maraming salamat sa inyo, alam niyo na 'yan. 

"At syempre sa mga bossing Sir Carlo (Katigbak) sa pagdalo ngayong hapon maraming-maraming salamat po at sa pagdalo nung birthday ko. Thank you sir ha. Tita Malou (Santos) maraming-maraming salamat po sa napakagandang project na binigay niyo po sa amin at syempre sa walang-sawang tiwala at sa supporta na din po. Thank you very much. 

"Ma'am Zel (Martinez), thank you, nagkikita tayo sa mga dubbing sessions natin. Mahal na mahal kita. 

"Inang (Olivia Lamasan), maraming-maraming salamat sa tulong niyo sa pelikulang ito, nag-edit ka pa dito sa pelikulang 'to. I love you very much 'Nang. At sa lahat po na naging parte ng pelikula, congratulations and thank you very much.

"Bal, maraming salamat Bal. Thank you very much at kino-control mo pagiging makulit ko sa set."

Kathryn's speech:

"Good afternoon po sa inyong lahat and congratulations po sa'tin naka-P300 million na po tayo. Yehey! I'm so happy.. and counting. Hindi po magiging posible kung wala 'yung lahat ng team na nandito na iba't ibang department and gusto ko lang sabihin na after ng 'Barcelona (A Love Untold)' mineeting kami ni Tita Malou at sabi niya gagawa ulit kami ng movie tapos parang kami ni DJ hindi namin alam kung.. sabi namin 'Kaya pa ba namin after 'Barcelona' na ganyan?' and then dun ko napatunayan na TRUST TITA MALOU. Alam niya talaga lahat and we made the right decision and of course, thank you Tita Malou dahil pinlano mo 'to lahat and ang galing mo, na-predict mo nga 'to and worth it lahat. 

"And of course mag-start ako sa production team namin, kela Justin, Kimi, sino pa 'yung wala dito. And sa lahat ng nakasama sa set, masaya kasi sa set. And 'yung mga tao sa paligid sila po 'yung nagpapasaya sa'kin especially these bekis, ay ang saya-saya ko 'pag nandyan sila kahit wala si DJ kasi sila 'yung nagpapasaya sa'kin and the makeup artists, Kuya Winston your team ang galing ng mga boys mo and girls. 

"Of course, Kuya Leo siya po ang pinaka-chill na (line producer) or nagpapanggap lang siya sa harap namin na chill siya. Thank you dahil feeling ko kasi kayo 'yung nagbibigay ng mood sa set and masasabi ko 'pag set ni Direk Mae sa set mo parang masarap magtrabaho and thank you, thank you for that. 

"To my Ate Carmi, 'pag may approval ako na nare-receive sa text niya alam ko na tama 'yung ginagawa ko. So thank you ate for guiding me dito sa buong project na 'to. Ate Kristine, welcome and I'm really happy na kami 'yung naging first project mo and alam kong marami pa 'yan, you're so good. Thank you.

"Thank you also sa mga cast namin. Janus bro,  thank you so much dahil na-eentertain mo si DJ sa mga time na nagseset-up. Matteo, thank you so much for being such a gentleman. Thank you, feeling ko kahit wala si DJ 'pag nandyan ka I'm very safe on the set, thank you. And Kristel, and sina Chynna, si Hannah and 'yung iba ko pang friends na wala dito thank you dahil ang laki ng ginawa niyo para sa character ni Gab. Kayo 'yung (naglabas) sa fun side niya so thank you sa pag-balance. Wala dito sila Tito Dennis, Tita Lotlot, and 'yung iba and my mom, Tita Cherry Pie, happy-happy-happy. Thank you. Ilang shooting days lang with Tita Cherry Pie pero feeling ko at home ako 'pag nandyan siya. Thank you po sa pagtulong kahit mapa-light or heavy scenes. 

"Our promo team headed by kuya Mico and Ate AC and Austin Powers thank you. Thank you sa lahat and alam ko kung ga'no niyo pinukpok kami dito just for the promo.

"To our director, Direk Mae, thank you so much kasi after 'Barcelona' and 'Pangako Sa'Yo,' hindi ko alam kung pa'no papalabasin 'yung pagka-romcom and pagkakulit. Nahirapan tayo palabasin 'yan but still naging patient ka sa'kin. Thank you for pushing me to be better and alam mo kung hanggang saan 'yung kaya ko. Thank you for everything. And now it's okay pagka nag-off ka kasi it's time, it's time for yourself now. And kasi alam namin na dapat 'di niyo gagawin itong project na 'to... Okay na 'yun and it's time for yourself and we really understand. 

"And of course to our bosses, again Tita Malou thank you so much, Inang thank you kasi nung first shooting days nag-text si Inang na nandyan siya to guide us and nag-edit ka para tulungan kami dito and mga additional scenes, we really appreciate that and sana 'wag kayo magsawa to guide me and DJ. And of course sa dubbing sa buong people. Sir Carlo thank you so much sa chance, as always. 

"Of course, to my partner in crime (Daniel) also thank you kasi kami 'yung nagtulungan kasi 'di namin alam kung pa'no iibahin itong si Gab at si Dos and hindi magwo-work 'yun kung hindi tumutulong 'yung isa. And I'm very happy kasi may project kami together soon and ito 'yung special na project para satin. Thank you.

"And to everyone thank you and let's celebrate and be happy."

"Can't Help Falling In Love" is still showing in cinemas worldwide!
 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER