REGGEE'S DIGEST: Richard and Maricar to release book on marriage
REGGEE'S DIGEST: Richard and Maricar to release book on marriage
by Star Cinema Admin
1 month ago in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Richard and Maricar to release book on marriage

By Reggee Bonoan


Sa ika-apat na wedding anniversary (June 8) nina Richard Poon at Maricar Reyes-Poon ilalabas ang librong sinulat nilang may titulong "10 Things We Fight About" mula sa ABS-CBN Publishing.
 
Maraming nagka-interes sa blog nina Richard at Maricar na may titulong "Relationship Matters PH" kung saan nakalagay lahat ang tungkol sa kanila simula nu’ng ikasal sila four years ago.
 
Tulad ng ordinaryong mag-asawa ay marami ring ups and downs sina Richard at Maricar kaya sa pamamagitan ng Facebook account nilang RelationshipMattersph ay nakalagay lahat ang mga pinagdadaanan nila.
 
Ang ilan sa nasulat ay Leave and Cleave 1: Why living BESIDE your Parents is bad for you Wife; Leave and Cleave 2: I wanted to leave Richard and go back home; Leave and Cleave 3: Sometimes the biggest block to leave is the Parents.

Pinost din ng mag-asawa ang mga travel nila sa ibang bansa.
 
May mga nagpayong gawing libro ang blogs nina Richard at Maricar kaya’t pinitch ito ng manager nilang si Erickson Raymundo sa ABS-CBN Publishing at kaagad naman itong nagustuhan.
 
Samantala, on-going naman ang promo tour nina Richard at Richard Yap para sa latest album nilang RichardxRichard Chinito Crooners mula sa Star Music na patok sa kanilang fans na pumunta sa Robinson’s Magnolia noong Pebrero 4.
 
Ang mga awitin na nakapaloob sa album ay repertoire sa nakaraang concert nila noong isang taon sa PICC.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.

 

The ultimate online fan experience gets even better here at starcinema.com.ph.

See other latest news here, visit our online store, and talk about your favorite stars, movies, and TV shows on Fans Speak!

For more updates:

Follow Star Cinema:
Twitter: @StarCinema
Instagram: starcinema
Google Plus: ABSstarcinema
Youtube: ABSstarcinema
Facebook: StarCinema
Snapchat: starcinema
 
For more updates on your favorite Star Cinema movies, continue to visit www.starcinema.com.ph

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER