REGGEE'S DIGEST: Vina Morales files case against French partner's ex
Vina, hindi inurungan ang mga paratang ng ex ng kanyang French partner
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Vina Morales files case against French partner's ex
Kinasuhan ni Vina Morales ang dating modelo at TV host na si Avi Siwa sa Quezon City Hall of Justice kasama ang abogadang si Lucille Sering, dating Undersecretary ng DENR Climate Change noong Marso 13. Sinampahan niya si Avi ng Unjust Vexation and for the crime of Libel under Section 6 of Republic Act No. 10175 also known as the Cybercrime Prevention Act of 2012.
 
Si Avi ay dating karelasyon ng boyfriend ngayon ni Vina na si Marc Lambert, isang French businessman.
 
Diumano’y sinira-siraan ni Avi sa social media account niya si Vina simula nu’ng maghiwalay sila ng ex-boyfriend niya na nagkaroon sila ng anak na babae.
 
Ayon sa post ng dating TV host-model sa Instagram account niya ay hindi raw nadadalaw ni Marc ang anak nila dahil kay Vina na laging kasama nito bukod pa sa diumano’y kulang ang sustento ng ex-boyfriend niya sa anak nila kaya nagde-demand siya ng bahay, kotse, at presyo ng perang ibibigay ng lalaki na hindi naman sinunod kaya lalong naggalaiti sa galit si Avi dahil kulang daw ang P28,000 monthly financial support sa anak niya.
 
Dahil dito ay nabaling kay Vina ang galit ni Avi na kapag nagkikita sila sa mga lugar na pareho nilang pinupuntahan ay kung anu-anong paninira ang sinasabi ng huli sa social media.
 
Ilang beses naming hiningi ang panig ni Vina pero ayaw niyang magsalita at laging sagot sa amin, “hayaan mo na Regs.”
 
Pero nitong huli ay hindi na nakapagpigil si Vina dahil sa ipinalabas ni Avi na naglabas siya ng pekeng dokumento na kinasuhan daw niya ang singer-actress sa Taguig City Fiscal’s Office at may hearing na raw sila noong Pebrero 14, bagay na ikinataka ng una dahil wala naman siyang natanggap na subpoena.
 
Ginawang ebidensiya ni Vina ang lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) na kopya ng demanda ni Avi sa kanya.
 
At dahil dito ay nag-alala ang buong pamilya ni Vina kasama na ang mga kaibigan sa demanda sa kanya.
 
Dalawang pulis ang kasama ng staff ng Hall of Justice na naghain ng subpoena kay Avi sa bahay nito sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City noong Marso 21 na siya mismo ang tumanggap at magkakaroon na ng hearing sa Abril 25.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
Tags: Vina Morales 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER