REGGEE'S DIGEST: Sandara features her adventures in the Philippines on Korean TV show
Sandara, ipinagmalaki ang Pilipinas sa Korea
Star Cinema Admin
by Star Cinema Admin
in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Sandara features her adventures in the Philippines on Korean TV show
By Reggee Bonoan


Viral ngayon ang video ng programang "Battle Trip" na ipinalalabas sa Korea na tinatalakay ni Sandara Park ang kagandahan ng Pilipinas.
 
Sa nasabing video ay ipinakita ng produkto ng "Star Circle Quest Season 1" (2004) ang pag-akyat niya ng bundok na sobrang ganda ng paligid dahil pawang kulay berde ang mga punong makikita.
 
Kasama ni Dara ang kaibigang kalahi niya at nang narating na nila ang tuktok ng bundok ay uminom sila ng fresh buko juice na ikinagulat ng mga nakapanood sa Korea dahil wala nga naman sa kanila no’n.
 
Namasyal din sina Sandara sa Balicasag Island Dive Resort sa Panglao, Bohol sakay ng balsang de motor habang ipinakikita nito ang napakagandang isla atlinaw ng tubig na kulay asul.
 
Katwiran ng singer-actress-TV host na kaya niya ipinakita ang ganda ng Pilipinas, “One of the reasons why I introduce the Philippines to 'Battle Trip' is people always ask me about the Philippines, ‘Isn’t it dangerous?  I hear public safety is poor?' They always ask me that.

 
“It’s just that unfortunate incidents are shown in the news, I wanted to show that, it’s not dangerous at all.”
 
Matatandaang parating sinasabi ni Sandara na second home niya ang Pilipinas dahil ilang taon siyang tumira rito.
 
As of this writing ay may 717,827 views na ang viral video na in-upload ng Team Philippines.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER