REGGEE'S DIGEST: Kasalang Peter at Gloria, malapit na
Ano nga ba ang naghihintay sa kasalang Peter (Nonie Buencamino) at Gloria (Sylvia Sanchez)?
Star Cinema Admin
by Star Cinema Admin
3/22/2017 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Kasalang Peter at Gloria, malapit na
By Reggee Bonoan


Sa Lunes, Marso 27, na mapapanood ang kasal nina Peter (Nonie Buencamino) at Gloria (Sylvia Sanchez) sa programang "The Greatest Love."

Ang saya ng  lahat lalo na ang mga gumaganap na mga anak ni Gloria na sina Aaron Villaflor, Matt Evans, at Andi Eigenmann kasama pa ang favorite apo na si Joshua Garcia na makita ang mama nilang ikinakasal at nakadagdag pa ang magandang simbahan sa Silang, Cavite na hindi pa nagagamit sa serye at pelikula.
 

Ang isang malaking tanong naman diyan: Dadalo kaya sa kasal ang panganay ni Gloria na si Amanda (Dimples Romana)?


Bagay daw sina Nonie at Ibyang na love team, ganun?  Sasabay pa sila kina Ser Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria) ng "Be Careful With My Heart"?
 
At ngayong Lunes din ang tulak nina Peter at Gloria patungong Baguio City para kunan ang kanilang honeymoon.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER